Sunday, July 30, 2006

Binhi Ng Karunungan 3.5: HAPPY NATIONAL PRUNES WEEK!

espesyal ang ating issue ngayon dahil this
week is NATIONAL PRUNES WEEK!! yes, you've
read it right!! PRUNES!! it's a week of
non-stop fun with dried plums.


tatlong problema nanaman ang lulutasin ng
ating lady para sa tatlong napaka-swerteng
mga nilalang. kaya pack your bags and let's
go to a world filled with parmesan cheese
and rellenong bangus!!

TIP OF THE WEEK:
ang ating unang tanong ay galing kay
shekwang at heto ang kaniyang problema:

shekwang: lady murasaki, papano po ba
kumausap ng drayber ng jeep? bakit parang
lagi silang galit? tenkyo!

eto lang ang masasabi ko.. alam mo kung
bakit sila mukang laging galit? kasi minsan,
there comes a time in a boy's life, when he
has to make a desicion, a desicion involving
peacocks and leafy vegeables. buti nalang
at may nakilala akong mangkukulam na
nagbigay sakin ng recipe ng isang pampa-
happy ng jeepney driver, sa jeepney driver
lang 'to gumagana, kaya mag-ingat ka sa
papa-inumin mo nito, pag hindi jeepney
driver ang pina-inom mo ng potion, magiging
pianono roll siya for 3 mins. so mag ingat
ka shekwang. sinasabi ko sayo, mag ingat ka.

eto ang mga sangkap na kelangan mo:

1 tsp harlem
34 cups frame
90 grams of aparador
46.50 liters of lungs
and a pinch of love

eto ang kailangan mong gawin:
step 1: maging bihasa sa larong dampa.
step 2: lumikas na ngayun din, padating na
ang mga hapon.
step 3: huwag masamain ang fitzgerald.
step 4: born to be wine.
step 5: magpa-pierce sa lukon-lukon.
step 6: repeat step 5 until golden brown.
step 7: super duper, wanna be the one.

ayan, gawa na ang iyong potion. sana ay
nakatulong ako.

ang susunod na tanong a galing kay amominous:

amominous: my lady, pano po pigilin ang tunog
ng utot? please help me.

eto lang ang sagot ko diyan, mali ang mag-pigil
ng utot, babaho ang iyong hininga.. gusto mo ba
yun? kung ako sayo, uutot nalang ako. pero kung
mapilit ka talaga, eto ang solusyon diyan:
umakyat ka sa bundok ng hagedorn. hanapin mo ang
mahiwagang ibong lafaunda. kapag ang ibon na
iyo'y sumaaw na ng harlem, kailangan mong uminom
ng isang basong laway ng gantus ng sa ganun ay
hindi ka maging isang large iced tea. kapag
tumigil na sa pag giling ang ibon ng lafaunda,
magpa-tatoo ka ng salami sa braso. kapag nagawa
mo ito, hindi ka na uutot forever..

ang susunod nating tanong ay galing kay slavern
e. de barge. eto ang kaniyang problema:

Slavern E. De Barge: huwaw. pers taym ko
magtatanong sa iyo lady murasaki! well eto na.
bakit may multo sa balete drive pero wala naman
talaga akong nakita? at bakit po kinakapitan ng
multo ang puno ng balete? salamat!

slavern, salamat sa iyong tanong. eto lang ang
aking masasabi, wala talagang multo sa balete
drive. actually, merong naka tira sa puno ng
balete, at hindi siya multo, illongo siya.
siya ay si criselda. at hindi mo siya nakikita
dahil nasa trabaho siya. isa siyang stock broker.
madalas siyang nakikita na naka-kapit sa puno
dahil pinaglihi siya sa rambutan. sana ay nasagot
ko ang iyong tanong.

QUOTE OF THE WEEK:
"stay the way you choose."
-tirso cruz III

WORD OF THE WEEK:
boullini - masarap ipalaman sa tinapay.

JV JOKE OF THE WEEK:
(sa pa-lakasan ng lolo)
miguel: wala ka sa lolo ko, sumisid, hindi na
umahon.
everybody: *laughs*
jv: wala ka sa lolo ko. lolo ko naghahanap ng
apartment.






0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home